Monkeypox: Ano Ang Alam Namin
Huling binago: Hunyo 21, 2022
Ang monkeypox virus ay kumakalat sa Ontario at karamihan ay naiulat sa mga bakla at bisexual na lalaki sa ngayon. Mukhang dumadaan ito sa malapit na personal at sekswal na network, bagaman mas maraming impormasyon ang makukuha sa paglipas ng panahon.
Nagtipon kami ng impormasyon mula sa mga awtoridad sa pampublikong kalusugan—kabilang ang Toronto Public Health, Public Health Ontario, at ang opisina ng Punong Opisyal ng Medikal ng Kalusugan—kasama ang mga pinakabagong ulat ng balita at nalathala na siyentipikong pananaliksik. Ang impormasyon sa pahinang ito ay nilalayong matulungan ang mga tao sa ating komunidad na maunawaan kung ano ang nangyayari, kung ano ang hahanapin, at kung saan kukuha ng pangangalaga. Binabantayan namin ang mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan at regular na binabago ang pahina na ito.
Monkeypox: Ang Mga Pangunahing Kaalaman
Ito ay isang virus na maaaring magdulot ng pantal, mga sugat, o mga paltos, kasama ng lagnat, pananakit ng kalamnan, at matinding pagkapagod. Kapwa ang mga hayop at tao ay maaaring makakuha ng virus, at ito ay kumakalat sa pamamagitan ng malapit at matagal na pag-kontak. Ito ay nasa parehong pamilya ng bulutong, ngunit ang monkeypox ay hindi gaanong nakakahawa at may mas banayad na mga sintomas.
Karamihan sa mga kaso ay naiulat sa gitna at kanlurang mga bansa sa Aprika. Napakabihirang makakita ng mga kaso sa Canada o sa US, at mukhang hindi nauugnay ang alinman sa mga kasong ito sa paglalakbay sa gitna o kanlurang mga bansa sa Aprika.
Karaniwang lumalabas ang mga sintomas sa loob ng humigit-kumulang limang araw pagkatapos ng pagkakalantad sa monkeypox, ngunit maaaring tumagal ng hanggang 21 araw bago lumitaw. Maaaring kasama ang:
- Isang pantal o paltos sa iyong bibig (tulad ng singaw), sa iyong mukha, o sa paligid ng iyong ari
- Namamagang mga lymph node
- Lagnat at panginginig
- Pananakit ng kalamnan
- Masakit na ulo
- Kapaguran
Posible ang mas malubhang mga sintomas ngunit hindi gaanong karaniwan. Kamakailan, sa pagitan ng 3%-6% ng mga kaso ay humantong sa kamatayan.
Sa pinakahuling silakbong ito, ang ilang mga tao ay nagkaroon ng pantal o paltos na unang lumitaw bago makaramdam ng pagod at nilalagnat. At sa ilang mga kaso, ang mga tao ay walang nakikitang mga sintomas.
-
Mga Larawan ng Monkeypox Sugat (Graphic):
Ang mga larawang ito ay kinuha ng mga taong may mga kumpirmadong kaso ng monkeypox sa UK at Australia noong Mayo 2022.
Ang mga buong ulat sa mga kasong ito ay makukuha sa ibaba ng pahinang ito.
-
Paghawa, Paggamot, Pangangalaga
PAANO ITO NAIPAPASA?
Ang monkeypox virus ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng mga patak ng paghinga, sa pamamagitan ng paghipo sa isang sugat o paltos, o kontaminadong mga ibabaw tulad ng mga damit o takip ng kama.
Karaniwang nangangailangan ito ng matagalang harap-harapan o pakikipag-kontak sa katawan upang kumalat. Ibig sabihin, hindi ito kumakalat nang napakabilis o napakalayo.
Sa ngayon, tila ang kasalukuyang silakbo ay kadalasang nauugnay sa pinahabang balat-sa-balat na kontak, pakikipagtalik, paghahalik, o napakalapit na pakikipag-usap. Mukhang hindi malamang na naipasa ito sa pamamagitan lamang ng pagiging nasa parehong espasyo ng ibang tao, pagkakamay o pagyayakap, o paglalakad sa tabi ng ibang tao.
Posibleng maipasa ang virus sa mga araw bago ka magkaroon ng anumang nakikitang mga sintomas.
MAKUHA KO BA ITO SA PAGKIKIPAGTALIK?
Maaari. Alam namin na naililipat ito sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan tulad ng paghalik, pagtatalik, o pagyayakap. Kaya, kung malapit na kayo para makipagtalik, may posibilidad na magkaroon ka nito o maipasa ito.
Ang mga bakas ng virus ay natagpuan sa tamod sa mga taong nakumpirma na mga kaso ng monkeypox at mayroon pa ring iba pang mga sintomas. Hindi pa namin alam kung gaano ito katagal sa tamod o iba pang mga sekswal na likido pagkatapos mawala ang ibang mga sintomas. At hindi namin alam kung ang dami ng virus sa tamod ay sapat para maipasa ito sa ibang tao. Wala pang ebidensya na nag-uugnay ang tamod sa anumang mga kaso. Sa isang kaso sa Italy, napag-alaman na ang virus sa tamod ng isang pasyenteng ay may kakayahang makahawa sa ibang tao. Higit pang pananaliksik at ebidensya ang kailangan.
Iminungkahi ng mga awtoridad sa pampublikong kalusugan sa UK na magsuot ng condom habang nakikipagtalik hanggang 8 linggo pagkatapos mawala ang iba pang mga sintomas upang maging ekstrang maingat. Malamang na ito ay magiging epektibo lamang kung gumamit ka ng condom sa buong oras na nakikipagtalik ka, kasama na ang pagbibigay o pagkuha ng oral sex, at hindi nakakuha ng tamod kahit saan maliban sa condom.
ANO ANG PAGGAMOT?
Sa kasalukuyang walang partikular na paggamot o lunas para sa monkeypox sa mga tao, kaya kadalasan ito ay natural nawawala at ginagamot ng ating sistemang panlaban sa sakit. Karamihan sa mga paggamot ay para sa mga sintomas, at kung may mga sugat, dapat itong takpan ng benda upang hindi malamang ito kumalat sa iba. Kung mayroon kang kumpirmadong kaso, maghiwalay at magsuot ng maskara kung ikaw ay nasa malapit na pakikipag-kontak sa isang tao hanggang sa mawala ang mga sugat (karaniwan ay 2-4 na linggo).
Maaaring gamitin ang paggamot para sa bulutong sa ilang mga emerhensiyang kaso sa ospital, ngunit hindi ito karaniwan.
KAILAN HIHINGI NG TULONG
Kung napapansin mo ang mga sintomas na ito—lalo na ang pantal o paltos—maghiwalay at makipag-ugnayan kaagad sa iyong pangunahing tagapagbigay ng pangangalaga, klinika sa kalusugang sekswal, o yunit ng pampublikong kalusugan. Pareho din kung ikaw ay malapit na nakipag-kontak (hal. nakipagtalik, nakipaghalikan, nakipagyakapan) sa isang taong may alinman sa mga sintomas o isang kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Monkeypox at Pride
Sa buong Ontario, ang ating komunidad ay nagsasama-sama upang maranasan ang kagalakan (at seks!) na iniaalok ng Pride.
Narito ang ilang mga bagay na dapat malaman at ilang mga bagay na magagawa nating lahat sa buong panahon ng Pride para pangalagaan ang ating sekswal na kalusugan.
- Bisitahin ang iyong doktor ng pamilya o lokal na klinika sa kalusugang sekswal at kumuha ng buong pagsusuri para sa mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik (kabilang ang syphilis at HIV). Tandaan na humingi ng mga swab kasama ng iba pang mga pagsusuri. Para sa marami sa atin, kasama sa pagsubok ang ating lalamunan at butas ng puwit at karagdagan ang pag-ihi sa isang tasa at pagkuha ng ating dugo.
- Suriin ang paligid ng iyong puwit at mga ari para sa anumang mga bagong pasa, mga bukol, mga pantal o anumang bagay na maaaring mukhang hindi karaniwan para sa iyo.
- Kung may napapansin ka ng anuman, mag-iskedyul ng pagbisita sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan
- Maaaring kailanganin mong paalalahanan sa kanila na ang Monkeypox ay umiikot sa komunidad.
- Kung magkakaroon ka ng mga sintomas ng Monkeypox bago ang Pride, isaalang-alang ang paghihiwalay ng sarili at pag-iwas sa malapit na pakikipag-ugnayan—kabilang ang—pagtatalik hanggang sa masuri ka ng isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan at pawalang-saysay nila ang Monkeypox.
- Ipagpatuloy ang pag-inom ng iyong PrEP o mga gamot sa HIV gaya ng inireseta.
- Panatilihin na mayroong mga condom at lube. May posibilidad na maipasa ang monkeypox sa pamamagitan ng tamod, ngunit nakakatulong pa rin ang mga condom sa pag-iwas sa iba pang mga STI.
- Pag-isipan ang tungkol sa paglilimita sa bilang ng mga kabakas na mayroon ka o sa pagpunta sa mga kaganapan o mga lugar na may maraming malapit na pakikipag-ugnayan.
- Kung kaya mo, ang pagkakaroon ng ilang pangunahing impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga taong nakikipagtalik ka o maging malapit sa iyo—sa mga lugar man o sa mga hook-up na app—ay maaaring makatulong kung kailangan mong makipagkontak sa kanila para sa potensyal na pagkakalantad sa Monkeypox.
- Iba pang mga paraan na maaari mong bawasan ang panganib ng Monkeypox:
- Iwasan ang pagbabahagi—pampadulas, mga laruan sa pagtatalik, mga kagamitang pampahilig, kagamitang pandutsa, mga sipilyo, kagamitan para sa sangkap tulad ng mga pipa at mga iniksyon, mga kagamitang pangkama, mga tuwalya at damit.
- Kung nagbabahagi, subukang gumamit ng mga hadlang tulad ng mga guwantes para sa pagkakamao at mga condom sa mga sekswal na laruan. Palitan ang mga ito sa pagitan ng mga kabakas sa pagtatalik.
- Kung mas marami kang mga kabakas sa pagtatalik, mas mataas ang posibilidad na ikaw ay malantad sa Monkeypox o maipasa ito.
- Iwasan ang pagbabahagi—pampadulas, mga laruan sa pagtatalik, mga kagamitang pampahilig, kagamitang pandutsa, mga sipilyo, kagamitan para sa sangkap tulad ng mga pipa at mga iniksyon, mga kagamitang pangkama, mga tuwalya at damit.
- Makipag-usap nang hayagan sa iyong mga kabakas tungkol sa iyong sekswal na kalusugan at sa kanila—ang Pride ay isang masayang panahon, at nasa ating lahat ang pangangalaga sa isa’t isa.
- Subaybayan ang anumang mga sintomas ng monkeypox kabilang ang anumang mga bagong pasa, mga bukol, mga pantal, o anumang bagay na maaaring mukhang hindi karaniwan para sa iyo.
- Sundin ang patnubay ng iyong doktor, kawani ng klinika sa sekswal na kalusugan, o iba pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
- Maaaring kailanganin mong paalalahanan sila na ang Monkeypox ay umiikot sa komunidad.
- Bisitahin ang iyong doktor ng pamilya o lokal na klinika sa kalusugang sekswal at kumuha ng buong pagsusuri para sa mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik (kabilang ang syphilis at HIV). Tandaan na humingi ng mga swab. Para sa marami sa atin, kasama sa pagsusuri ang ating lalamunan at butas ng puwit at karagdagan ang pag-ihi sa isang tasa at pagkuha ng ating dugo.
Impormasyon sa Bakuna
MAY BAKUNA BA PARA DITO?
Walang partikular na bakuna para sa monkeypox, pero parang yung bakuna sa bulutong ay humigit-kumulang 85% na epektibo sa pagbabawas ng mga sintomas nito. Ang mga huling bansa ay huminto sa pagbibigay ng mga bakuna sa bulutong nang humigit-kumulang 40 taong nakaraan, kaya sinuman mas matanda sa 40 taong gulang ay maaaring nakatanggap nito.
Ang bakuna sa bulutong ay maaaring ibigay upang mas maliit ang posibilidad na magkaroon ng malalang mga sintomas ng monkeypox, ngunit sa simula pa lamang walang ebidensya na maaari nitong pigilan ang isang tao sa pagkuha nito. Kung ang isang tao ay malamang na nalantad sa monkeypox, ngunit walang mga sintomas o kumpirmadong kaso, posible para sa kanila na makakuha ng bakuna bilang pang-iwas na paggamot pagkatapos ng pagkakalantad [post-exposure prophylaxis (PEP)], katulad ng HIV.
Dahil ito ay binuo para sa bulutong at hindi partikular para sa monkeypox, mas kaunting pananaliksik ang magagamit kaysa sa gusto namin sa ilan sa mga detalyeng ito. Sa pagsabing iyon, alam natin na ligtas ang bakuna sa bulutong.
GAANO KAAGAD MAGKAKAROON NG BISA MATAPOS MAKUHA ANG BAKUNA NA ITO?
Tumatagal ng hanggang 14 na araw mula sa oras na makuha mo ang bakuna upang magkaroon ng sapat na proteksyon.
MGA KLINIKA SA PAGBABAKUNA
Ang pagpapabakuna laban sa monkeypox ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga seryosong sintomas kung makuha mo ito. Malamang na hindi ka nito pipigilan sa pagkuha nito kung malapit kang makipagkontak sa isang taong makakapagpasa nito. Tandaan: ang mga bakuna ay hindi gumagana tulad ng bukas/sarado na pindutan. Maaaring tumagal ng dalawang linggo para maproseso at tumugon sa bakuna.
Ang pamahalaan ng Ontario ang responsable sa paggawa ng mga bakuna na magagamit sa buong lalawigan. Ang mga lokal na yunit ng pampublikong kalusugan ay responsable sa pagtatayo ng mga klinika ng bakuna at aktwal na pagbibigay sa mga tao ng mga bakuna. Babaguhin ang seksyong ito habang nakakakuha kami ng impormasyon mula sa mga awtoridad ng kalusugan.
Mangyaring suriin ang Ingles na pahina para sa napapanahong impormasyon ng klinika sa Ontario o makipag-ugnayan sa iyong lokal na yunit ng pampublikong kalusugan. Maaari mo ring tawagan ang Sexual Health Infoline Ontario (SHILO). Ang SHILO ay isang libre, anonimong serbisyo sa pagpapayo sa buong probinsya tungkol sa HIV, STI, mas ligtas na pakikipagtalik, mga pagsasangguni sa mga serbisyo sa sekswal na kalusugan, impormasyon sa pagsusuri, pagbabawas ng pinsala sa paggamit ng droga, at impormasyon sa pakipagpalitan ng karayom.
416-392-2437 / 1-800-668-2437 (Linya sa Ingles at maramihang wika)
Hindi ka hihilingin na magbayad para sa bakuna. Hindi mo kailangan ng OHIP card para makuha ang bakuna.
Tandaan: Ibinabahagi ng GMSH ang impormasyong ito upang suportahan ang ating komunidad at upang isulong ang pagbabakuna para sa atin na maaaring makinabang mula dito. Wala kaming pananagutan sa pagpapatakbo ng alinman sa mga klinika, kung gaano karaming mga dosis ang magagamit, o ang indibidwal na karanasan ng mga tao sa iba’t ibang mga klinika ng bakuna na itinayo sa buong lalawigan.
Sino ang dapat makakuha ng bakuna?
Dapat mong isaalang-alang ang pagpapabakuna laban sa monkeypox (Imvamune, ang bakuna sa bulutong) kung nagkaroon ka ng STI sa nakalipas na dalawang buwan, kung nakikipagtalik ka sa maraming kabakas, kung nakipagtalik ka sa hindi kakilala, kung pupunta ka sa mga lugar kung saan nangyayari ang pagtatalik (tulad ng ang bathhouse), o kung gumagawa ka ng sekswal na trabaho.
Ang kasalukuyang pamantayan sa pagiging karapat-dapat na tinutukoy ng Ministri ng Kalusugan ng Ontario ay:
Mga indibidwal na trans-o cis-gender na nagpapakilala sa sarili bilang kabilang sa komunidad ng bakla, bisexual at ibang lalaki na nakikipagtalik sa mga lalaki (gbMSM) AT hindi bababa sa isa sa mga sumusunod:
- Nakatanggap ng dyagnosis ng bacterial STI (iyon ay, chlamydia, gonorea, sipilis) sa nakalipas na 2 buwan;
- Nagkaroon ng 2 o higit pang mga sekswal na kabakas sa loob ng nakaraang 21 araw o maaaring nagpaplano;
- Nakadalo sa mga lugar para sa pakikipagtalik sa loob ng nakalipas na 21 araw (hal., mga bathhouse, seks club) o maaaring nagpaplano, o nagtatrabaho/nagboluntaryo sa mga kapaligarang ito;
- Nagkaroon ng kinikilala/kaswal na pakikipagtalik sa nakalipas na 21 araw (hal., paggamit ng online dating/hookup app) o maaaring nagpaplano;
- Nakiklahok sa sex na trabahoo maaaring nagpaplano, at ang kanilang mga mga sekswal na kontak.
-
Gaano kalubha ang monkeypox?
Ang monkeypox ay isang malubhang sakit. Bagama't maraming mga tao na nagkakaroon ng monkeypox ay hindi magkakaroon ng masamang sintomas, maraming mga tao sa kasalukuyang silakbo ay nagkakaroon ng masamang sintomas. Ang ilan (ngunit hindi karamihan) ng mga tao ay napadpad sa ospital, at ang mga taong nagkaroon ng mas malubhang mga sintomas ay nag-ulat ng matinding pananakit; mga paltos at bukas na mga sugat sa kanilang bibig, sa kanilang mukha, puwit, o titi; at—sa ilang mga kaso—pagdurugo mula sa mga sugat o mga paltos na mayroon sila (kabilang ang mula sa kanilang puwit). Makukuha ang paggamot para sa sinumang na-ospital na may malubhang karamdaman.
Mula sa mga ulat ng kaso na isinapubliko sa kasalukuyang pagsiklab, alam namin na ang mga taong may monkeypox ay maaaring makaranas ng iba't ibang mga sintomas na may iba't ibang antas ng sakit at kakulangan sa ginhawa. Depende sa kung gaano kahusay gumaling ang mga sugat, posible ang pagkakapeklat.
-
Ligtas ba ang bakuna?
Para sa bakuna na ginagamit sa Ontario (tinatawag na Imvamune), ang nakaraang pananaliksik ay nagmumungkahi na ito ay hindi bababa sa 85% na epektibo sa pag-iwas sa monkeypox. Ito ay awtorisado para sa paggamit sa Canada sa mga taong 18 taong gulang at mas matanda at nangangailangan ng 2 dosis na inihatid sa pamamagitan ng iniksyon sa braso nang hindi bababa sa 28 araw na pagitan. Maaari kang tumanggap ng bakuna kahit kailan o kung nabakunahan ka para sa COVID-19.
Ayon sa Ahensya sa Pampublikong Kalusugan ng Canada, ang kaligtasan ng Imvamune ay nasuri sa 20 nakumpletong klinikal na pagsubok kung saan humigit-kumulang 13,700 na dosis ng bakuna ang ibinigay sa 7,414 na mga indibidwal.
Ligtas ba ang bakuna para sa mga taong may HIV?
Ang mga taong may HIV na kumukuha ng paggamot sa HIV ay may hindi gaanong malalang karanasan sa monkeypox. Ang mga taong may HIV na may bilang ng CD4 na mas mababa sa 100, may patuloy na mataas na viral load, o kung hindi man ay immunocompromised ay maaaring makaranas ng mas matinding sakit at dapat makipag-usap sa kanilang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan bago makakuha ng bakuna.
Ang bakuna na iaalok sa iyo ay ligtas at kasama sa pag-aaral ang mga taong may HIV. Maaaring tanungin ka tungkol sa iyong bilang ng CD4. Gayunpaman, kung inaalok ang bakuna dapat mong isaalang-alang ang pagkuha nito para sa proteksyon at mga benepisyo na iniaalok nito.
-
Ano ang mga epekto ng bakuna?
Ang Imvamune, ang bakunang makukuha sa Canada, ay ibinibigay sa isang dosis bilang isang iniksyon. Ito ay iniiniksyon sa ilalim ng iyong braso, sa ilalim lamang ng balat.
Karamihan sa mga tao ay walang malakas na reaksyon sa bakuna. Ang pinakakaraniwang mga epekto ay ang pakiramdam ng pananakit, bahagyang pasa, maliit na bukol, pamamaga, o maliit na pantal sa paligid kung saan mo nakuha ang iniksyon.
Ang ilang mga tao ay nakakaramdam ng pagod, nakakaranas ng pananakit ng ulo o kalamnan, at paminsan-minsan ay nakakaramdam ng sakit sa kanilang tiyan. Kung nararanasan mo ang mga ito, kadalasang nawawala ang mga ito sa loob ng isang linggo. Ang iniksyon ay hindi dapat mag-iwan ng peklat.
Kung mayroon kang malakas na reaksyon, o kung ang mga epekto ay tumatagal ng mas mahaba kaysa sa isang linggo, makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan o lokal na yunit ng pampublikong kalusugan.
-
Nakakaapekto lamang ba ito sa mga queer?
Sa ngayon, sinasabi ng mga ulat na kadalasang dumadaan ito sa ilang mga sekswal na network sa mga lalaking nakikipagtalik sa isa't isa, ngunit walang malinaw na koneksyon sa pagitan ng karamihan sa mga kumpirmadong kaso. Mayroong ilang mga kaso na iniimbestigahan na hindi kinasasangkutan din ng mga bakla o bisexual na lalaki. Ang virus ay hindi nagta-target ng mga tao at kaya ang anumang matagal na pakikipag-kontak (hindi kinakailangang sekswal) ay maaaring maipasa ito. Karagdagan, maaari itong mabuhay sa mga hayop, na naging sanhi ng mga silakbo sa nakaraan (pinakabago noong 2003 sa US).
-
Monkeypox at HIV
Tulad ng maraming impeksyon, ang epekto ng monkeypox ay maaaring mas malala para sa mga taong may mahinang sistemang panlaban sa sakit. Para sa mga taong nabubuhay na may HIV na wala sa paggamot o may mababang bilang ng T-cell, posibleng magkaroon ng mas maraming komplikasyon kung magkakaroon sila ng monkeypox. Walang katibayan na ang isang taong nabubuhay na may HIV na hindi matukoy ay may mas malaking panganib na magkaroon ng mga komplikasyon mula sa monkeypox kaysa sa isang taong walang HIV.
-
Gaano ka dapat magalala?
Huwag matakot, ngunit dapat kang magkaroon ng kamalayan. Lahat ng bagay na isinasaalang-alang, ito ay isang bihirang virus at hindi malubha (ibig sabihin ay hindi ka malamang na ma-oospital) sa karamihan ng mga kaso. Ang pagiging alerto at pagsasabi sa iyong doktor o lokal na yunit ng pampublikong kalusugan tungkol sa anumang mga sintomas na mayroon ka ay maaaring makatulong na mapabagal ang pagkalat nito. Kahit na mayroon kang banayad na kaso, may mga tao sa ating komunidad na may mga nakompromisong sistemang panlaban sa sakit na maaaring magkasakit nang malubha.
Kung makakita ka ng isang ulat ng monkeypox na may kaugnayan sa isang partikular na lugar (tulad ng club, bar, o bathhouse) kung saan naroon ka, isipin kung ano ang ginawa mo doon at kung nagkaroon kang anumang malapit na kontak sa mga tao.
Ang mga Yunit ng Pampublikong Kalusugan ay nagsasagawa ng pagsubaybay sa mga kontak para sa mga posibleng kaso sa lungsod at direktang magsusubaybay. Ngunit sa susunod na sandali, malamang na pinakamainam para sa lahat na subaybayan kung sino sila naging malapit na kontak (hal. hinalikan, nakipagtalik, o kasamang nakahubad) at maging responsable sa pakikipag-ugnayan sa kanila kung magkakaroon ka ng mga sintomas o may kumpirmadong kaso. Ganoon din sa anumang lugar na napuntahan mo sa nakalipas na tatlong linggo, kung nakipaghalikan ka, nakibahagi ng inuman, o nakipagtalik sa ibang tao na hindi mo direktang makontak.
-
Tungkulin na mag-ulat
Sa Ontario, ang Punong Opisyal ng Pangmedikal na Kalusugan ay nag-utos sa lahat ng mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na iulat ang anumang pinaghihinalaang o nakumpirma na mga kaso ng monkeypox sa CMOH at sa Public Health Ontario.
Nilalaman ng mga pinagmulan (lahat ay nasa Ingles)
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/monkeypox
https://www.cdc.gov/poxvirus/monkeypox/index.html
https://www.health.gov.on.ca/en/pro/programs/emb/monkeypox.aspx
https://www.quebec.ca/en/health/health-issues/a-z/monkeypox
https://www.canada.ca/en/public-health/services/diseases/monkeypox.html
https://www.catie.ca/catie-news/an-outbreak-of-monkeypox-in-canada-and-other-countries
https://www.eurosurveillance.org/content/10.2807/1560-7917.ES.2022.27.22.2200411
https://www.eurosurveillance.org/content/10.2807/1560-7917.ES.2022.27.22.2200421
https://www.journalofinfection.com/article/S0163-4453(22)00335-8/fulltext